Monday, May 18, 2009

random things about university first times

-Contrary to what most HS teachers say about college (freedom, things like that), mas marami pa atang regulasyon sa kolehiyo kaysa HS (mas KJ pa o kung anumang tawag ninyo). Eto yung mga tipong small things such as accidents can be Major offense (oo walang katuwi-katuwiran, I think).

-Ang pakiramdam ng "nakatungtong sa sibat" ay mas evident sa kolehiyo. Alam na ninyo kung bakit.

-Hala, puro rivalry. Magiging kaaway mo yung mga ka-batch mo. Puro "we're better than them!". First day pa lang, iniinstill na sa mga freshman na magkaroon ng prejudice sa kanilang rivals. Ako, ayaw ko ng ganito. Para kasi sa akin, kahit saan ka pa galing (green, blue, yellow, etc.), lahat tayo hinahanda para maglingkod sa Diyos at sa Bayan at maging mga mabuting Kristiyano at Mamamayan.

-masaya mag-cheer

-kakaibang Alma Mater Hymn, kakaibang rosaryo

-learned about new saints!

-the rabat

-
Kailangan talagang mag-aral ng mabuti, mabuting mabuti dapat.

yan lang for now, orientation pa lang yan, grabe na, sa first day and on, kumusta kaya?

Thursday, December 25, 2008

Maligayang Pasko...

Maligayang Pasko sa Lahat!!!

Kahit na ramdam ko pa rin ang pressure ng maraming gawain sa school (kahit tapos na, maraming dadating, tignan niyo), masaya nag Pasko. Kahit na hindi ko nakumpleto ang Misa de Gallo, ayos lang. Salamat sa lahat ng nagregalo.


Success ang paggawa namin ng no-bake Jell-O chessecake. Ayos.

Medyo malungkot lang ako kasi malapit nang matapos ang S.Y..Kahit sabihing puro school work at aral ang ginagawa ngayong taon, mamimiss ko yung mga taong naging parte ng buhay-Lourdesiano ko. Sayang, apat na taon lang ako magiging Lourdesiano sa loob ng LSM. 2 months na lang, college na ako.

MALIGAYANG PASKO AT BAGONG TAON SA INYO!!!!!

Thursday, October 30, 2008

Boo-hoo

Malapit ang November 5!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Wala lang, parang iba na yung pakiramdam kapag nagresume yung klase.

ala lang.

Monday, October 27, 2008

"sembreak"

Tapos na ang USTET. Weeeee.

Pagkatapos ng exam ko, diretso kami sa probinsiya para kumain, kasi pumasa yung pinsan ko sa board. Pero habang bumabiyahe, nag-drive-thru kami sa McDonalds, matagal pa naman daw yung biyahe. Kaso, pagdating namin sa probinsiya, aba, busog pa kami.

Bawal ang hindi kakain. Ayos lang, masasarap yung food. Nakadalwang bulos ako sa dalwang balik. Busog. Tapos habang pabalik sa Maynila (balikan lang, sa Wednesday pa yata yung matagal na stay), bumili kami ng buko pie at kinain yon sa bahay. Ito ang pinakabusog kong foodtrip THIS YEAR. Meron pa kaming pabalot, so, busog na naman bukas.


Sunday, October 19, 2008

Liturgical Music

Napapansin ko, marami sa mga simbahan (Katoliko) sa PILIPINAS ang nagiging mga "concert grounds" ng mga "choir". Marami sa mga kinakanta sa Santang Misa dito sa Pilipinas ay parang ginawa upang mapalundag at mapapapalakpak ang mga tao habang nasa MISA.

Bilang isang traditionalist, kapag nakaattend ka ng mga "Rock n' roll" Catholic Mass, eh parang nagiging demonyo ka, at gusto mong magwala. Kulang na lang, sumabog ka sa inis.

Sabi sa akin ng isang CLEd teacher sa 4th year, hindi masamang magkaroon ng love para sa Tradition ng Simbahan, basta, hindi mo huhusgahan yung ibang "mainstream" ika nga. Pero hindi ko maiwasan ang maging isang kritiko habang nakakaattend ng mga rock and roll, pop jazz na misa, imbis na magparticipate.. Sa pagkakaalam ko, at ayon na rin sa tradisyon ng ating Mahal na Inang Simbahan, sacred polyphony, organ music at Gregorian Chant ang ineencourage sa misa. Ayon din kay Benedict XVI, ang mga kanta sa misa ay dapat walang pagkakapareho sa mga modern at secular music.

Siguro, para sa inyo, napakaboring ng misang puro organ at gregorian chant. Parang walang buhay. Para sa iba, aantukin yung mga tao. Sabi nila, isa daw celebration at feast ang misa, kaya dapat tumatalon at nagwawala. Pero bilang mga Kristiyanong KATOLIKO, ang misa ay isa ring sacrifice. Sa altar inaalay ang Katawan at Dugo ng ating Panginoon. Yung mga itinataas sa altar, hindi lang basta wafer at alak.

Balik tayo sa kanta sa misa. Ang kanta sa misa, dapat God-centered, hindi we-cetered, hindi I-centered. Bilang Katoliko, dapat yung kanta merong mga lyrics na tunay na Katoliko.

Merong isang sikat na Processional Hymn na para bang tinratrato lang ang mnisa bilang isang party time. Yung lyrics parang puro na lang table, feast, banquet. Parang fiesta lang. Yung mga tamang kanta sa misa, yung may mga words na altar, Body and Blood, save us from hell, have mercy on us. Tandaan natin, malaki ang naiidulot ng music sa ting mga tao. Yung iba ngang music ehh nakakadepress, nakapwersang magsuicide at maging malungkot. Kung puro banquet at feast and table na lang ang nasa mga Liturgucal music natin, no doubt kalahati ng mga Katoliko ang hindi naniniwala na Katawan at Dugo ni Kristo ang tinatanggap nila sa komunyon.

Sinasabi rin sa tin na kumanta at the top of our voice. Pero, parang nagiging lokohan na lang ito. siguro mas magandang kumanta na lang ng mahina, siyempre by heart.

Maraming tao ang maaring magreact na kesyo 20th century na at kailangang maging techno ang misa at naghihip-hop ang mga pari habang Epiclesis. Panahon na daw para magbago. Kung magiistik daw sa lumang style, ehh, hindi raw uunlad ang simbahan.

Pero ispin ninyo, 99.99% ng ating mga santo, kinagisnan ang isang misa na walang palakpakan. Kinagisnan nila ang misa kung saan ang mga kanta ay tunay na solemn. Puro Latin nga yung sa kanila eh, pero naintindihan nila, isinabuhay nila. Ayun.

Saturday, October 11, 2008

Mga Bagay -bagay

--Sino ang nagnakaw? Ang taong NAGNAKAW ng isang piso o ang NAGNAKAW ng isang milyon? Siyempre, pareho sila.

--We tend to take for granted opportunities.

--Always seize the day! (Carpe Diem)

--Hindi dapat magtanim ng mga galit. Hindi dapat sinosolo ang galit, dapat nilelet go. Mahirap kasi yung laging mabigat sa galit.

--Many people are becoming mediocre. Sobrang dami na. Nakakahawa.

--Through the intercession of Saint Pio of Pietrelcina, maraming bagay ang narealize ko. Para bang nagpaparinig si God sa akin sa maraming bagay, lalong-lalo na sa mga activity namin sa school.

Sunday, August 24, 2008

Unang Post

Ito ang magiging unang post ng blog na ito. Luma na itong blog na ito, pero ayaw ko pang lagyan ng posts.